Yun lang, naglaro na ba sa isip nyo yan? kung walang music sa buhay natin?? ewan ko ha.. pero sa akin naiisip ko yan habang mataimtim ako nagiisip ng ilang bagay sa tahimik na lugar(alam ko iniisip mo.) aha.. pero sa totoo lang I can’t live without music.. alam ko kalimitan nyong nababasa yan sa mga friendster profile ng mga crush mo,pinagpapantasyahan mo, stalker mo.., best bud mo(yun lang),kaibigan ng kaibigan mo at kung ano-ano pa.. kaya ko ginawa tong post na ito dedicated ito sa mga taong binibigyan ng importansya ang musika at para sa mga taong nagdrodroga haha.. joke lamang.. mayroon akong ibabahagi sa inyo sa pagkakaalam ko sa music.
(sa tagal ko nang nagawa ng blog ngayon ko lang naisip gawin iindent yung starting ng body haha)oo nga naman paano nga kung wala tayong music? ganito lang yan, siguro eh….
.walang kwenta ang buhay..
.tahimik,
.boring,
.matatamlay lahat ng tao,
.aantukin sa jeep kasi walang earphone ang nakasalpak sa mga tenga ko,
.palaging stress(itinuturing kong stress reliever ang music lalo na yung mga kanta ng paramore! yeah!,
.walang nightlife,paano sila magsasayawan di ba? TAMA!,
.walang videoke sa mga handaan at beerhouse haha,
.hindi mo maeenjoy yung pagiging bata mo kasi pano ka kakanta ng “ako ay may lobo” haha,
.hindi mauuso ang christmas party.
.hindi makikilala ang moymoy palaboy aha!
.walang tito vic and joey(ata) haha
.walang mangangaroling sa pasko
.walang choir. haha
.walang american idol!
.walang paramore!
-marami pang iba.. kayo na magdugtong haha.. papaubaya ko na sa inyo yan.
Saan nga ba nagsimula yung music na yan.. base sa sarili ko (hindi ako gagamit ng wikipedia o encyclopedia) yung mga natutunan ko nung elementary at highschool ang music daw eh nagsimula sa ibang bansa ewan ko lang haha.. pero mismo yung mga ninuno at yung mga nabubuhay nung kapanahunan nila kopong-kopong eh, mayroon na din silang musika. hindi ko nga lang alam kung anong klase yung tugtugan nun, anyway paalala ko lang ulit ito ay base sa aking mga nalalaman pasensya na palagi ako sa row 4 nung elementary pati highschool kaya di ko maapreciate kung san talaga nagsimula yun.. mabalik tayo sa usapan kung tatanungin nyo ako ano ang unang music ang una kong narinig o naalala eh siguro yung bahay kubo na itinuro noon sa amin nung kinder ako sumunod dun ang will of the wind(theme song nila mommy nung kasal) haha.. pero noon pa man eh masaya kong pinapakinggan ang mga uri ng musika noon.. siguro grade 5 ko lalo naapreciate ang music kasi sa panahon kong yun dun nagsilabasan ang mga boybands ilan sa mga yan ang: westlife,a1,boyzone,bsb,nsync,911 at kung ano-ano pa.. sa totoo lang eh naenjoy ko yung mga music nila, sa totoo nyan bumili pa nga ko ng poster ng a1 at westlife na nagkakahalaga ng 5piso kada isa.. ang galing nabilog nila ang pagiisip ko nun, lalo na nung pumasok si britneyspears ayy.. naku kras na kras ko yun (dati)haha hinihintay ko lagi yung mga music vids nun.. masasabi ko na ang genre ko nung panahon na yun eh more on pop songs.. bihira pa ang RNB at rock songs, noong highschool ko naapreciate ang kanta nila usher,r. kelly, fat joe, nelly etc. at bago ako grumaduate dito pinakilala sa akin ang rock music kung saan ang unang banda na nakilala ko ay ang kamikazee dahil sa hit single nila na narda! haha.. astig! simula noon sa rock industry na ako nag focus.. sa ating henerasyon ngayon meron akong 5 grupo na binubuo batay sa aking matinding pagmamatyag sa aking paligid na mayroon silang sarisariling genre’s when it comes to music.. eto sila.. mga rocker!,rapper,dancer,poser, mga taong hilig ang love songs..(for short mga taong puro senti sa buhay). hindi to sakop ng topic ko kayo na mag grupo sa mga taong alam nyo haha.. tignan nyo kung tama ako.. pero sa totoo lang marami yan hindi lang yan pero kasi sila ang mga napapansin ko sa araw-araw lalo na sa panahon natin ngayon. mahirap na pero dahil sa musika nagiging masaya ang buong mundo ganun lang yun. kaya paalala: mahalin ang musika natin! support opm music! (plastic) haha.. marami pa ko gusto ikwento pero yan na muna sana eh.. napasaya ko ang mga araw nyo kahit papano kasi masaya ako eh TAMA! haha. maraming salamat ulit sa aking mga readers!! thank you,thank you!
now it’s time for so long but we’ll sing just one more song, thanks for doing your part! you sure are smart, you know with me and you and my dog pards …. we can do anything thing that we wanna do!
-rahp2 and pards singin(blue’sclues)
BYE-BYE! X) oryt!
No comments:
Post a Comment