haayy… wala nang maisip na magandanag post hehe.. pero eto i think mukhang papatok sa inyo.. siguro naman lahat tayo ay nanggaling sa pagiging musmos well i had to say na naenjoy ko kahit papano ang aking childhood kasi sagana ako sa laro noon, palaging nasa kapitbahay at kulang na lang eh doon ako matulog pero pag hapo lahat kaming mga magkakalaro eh nagtitipon tipon sa kalsada,sa eskwelahan o minsan sa mismong bahay ng aming kalaro.. well try ko i listdown lahat ng mga larong naaalala ko sa aking utak at hahalukayin natin lahat ng iyon at kung paano ito nilalaro.. let’s start!
1. bahay-bahayan= well intriguing tong larong to kasi nga eh kelangan dito ng 3 hanggang limang manlalro kung saan binubuo ito ng nanay,tatay gusto kong tinapay,at mga anak haha.. actually mukhang mortal sin din ito sa mga bata lalo na sa magiging nanay at tatay sa laro kasi.. eh yung typical na magasawa ay parang nagagawa na din ng mga batang ito.. well kung tatanungin nyo ako never ako naging tatay sa larong ito hanngang anak lang ang katayuan ko dito.. haha..
2. tagu-taguan= one of the most paboritong laro ko. binubuo ito ng 3-10 manlalaro. sa larong ito pede mong gawing katanga-tanga ang taya sa laro kasi magmumukha syang tanga habang hinahanap kayo. eto ang script ng taya na nakaharap sa pader at magbibilang hanngang 10 “tagu taguan maliwanag ang buwan pagkabilang kong sampu nakatago na kayo 1,2,3…..10. wala sa likod wala sa harap.” ayan na magsisimula na maghanap ang taya… ang huling makita nya na hindi nakakatakbo sa base eh ayun ang magiging sunod na taya pag manghuhuli eto ang script nila “boom rahp-rahp!” hehe pede ka pa isave ng mga nalalabing manlalaro sa field hehe.. sa larong ito bihira ako maging taya hehe… the best itong laruin sa gabi mas madilim mas masaya!.
3. sasara ang bulaklak=(for gels only)= ito ay kalimitang laro ng mga malalanding batang babae(tingin ko ha) pati na din maldita haha. binubuo ito ng 3 hanggang 8 manlalaro meron silang kanta dyan eto ” sasara ang bulaklak,bubuka ang bulaklak sasayaw ang reyna pakembot kembot pa.. boom tiyaya boom tiyaya bo0m yeye, boom tiyaya boom tiyaya boom yeye.. ” di ba bonnga, ang alam ko nkapikit ang taya dito tapos napaplibutan sya ng kanyang mga kalaro at pag natapos ang kanta ayun kung sino ang huling nituro ayun ang magigigng taya… kahit pambabaeng laro ito masasabi kong napatulan ko tong larong ito sinali lang ako haha.. experience ba ika nga hehe…
4. langit,lupa imperno= isa sa mga kinahumalingan kong laro nung bata ako.. binubuo ito ng 3 hanggang 5o 8 manlalaro.. mayroon din kanta ang mga kabataan dito para magkaalamananan kung sino ang taya. eto ang kanta nyan “langit,lupa imperno.. in in inpyerno, saksak puso tulo ang dugo, patay buhay umalis ka na dyan sa pwesto mo… ” yan kung san matapos ang kanta kung san tumuro ang singer ng grupo panigurado ligtas na sya hanngang maging 2 na lang doon magkakaalamanan ng taya hehe.. rules?? sasampa ka lang sa mga s.s hollowblock,paso kung pde ka, gate ng kapitbahay nyo, gulong kung mayroon,upuan etc basta mataas na bagay.. may ilang pagtatalo ang bata dito hindi daw pede magtagal sa kinatatayuan bibilang yung taya ng 5-10 segundo para makalipat ng pwesto ang hahabulin nya ang mahuli sa larong ito ay sya ang susunod na taya.. mas may pahinga ka dito kesa sa matamataya hahah…
5. tex!=comes in different sizes may small medium at large, hindi po ito damit ito ay yari sa karton na may drawing ng kartoons,mga telenobela,artista? haha etc. pero mas may thrill ang maliliit na tex, inabutan ko pa noon ung parang komik style na tex(meron ito sa vid ng betamax) yung ganun ito ay binubuo ng 2 manlalaro pde ring tatlo at apat ang maximum. tingin ko ito ay parte na din ng pagsusugal.. rules?? magbibigay ka ng pamato mo sa titira(malalaman ang mauuna sa pagtira ng pato nila kung tsa o tsub) kung one on one ang laban may pananggulo(tawag nila) ang tsa pala eh ito yung pinaka front nung tex na kung saan yun ang pinaka drawing at tsub yung pinakalikod nya.. para manalo ka dito pag katira ng nauna sa inyo eh tsub ang pato mo tsub ang pananggulo at naka tsa yung kanya means na panalo sya, vice versa lang pag sayo naman bsta yun lang ang way hannga’t hindi nagkakaalamanan hindi titigil ang tumitira sa pagpulot ng tex haha.. ang pagtaya naman eh depende pag mdaming tex yung kalaban mu damihan mo din taya malas mo lang pag sya nanalo.. gustong gusto linya sa mga ganito eh eto” boy1: ilan taya mo? boy2:bet na pati pato’t pananggulo” matapang si boy2 kasi alam nyang hopeless na si boy1 pero kung didikit ang swerte kay boy1 aba makakbangon ulit sya sa pagkatalo.. matatapos lang ang laro pag naubos na yung tex ng kalaban mo.. note: kung mabait kang manlalaro bibigyan mo ng balato yung kinalaban mo at iba pang mga usisero sa paligid mo, kung hamak na madamot ka wag ka na magbigay! .
5. tumbang preso= isa sa mga magagandang laro na nalaro ko nung bata, kelangan mo lang dito ng lata ng argentina,alaska,alpine. hindi pwede ang lata ng luncheon meat,maling,spam o mga latang pinadala sa inyo galing state bsta pde lang dito bsta cylindrical na lata. binubuo ito ng 3-8 manlalaro mas madami mas burot ang taya. rules?? ang goal lang dito ng mga hndi taya eh patumbahin ang latang mga 5 meters away sa kanila.. ang gagawin lang ng taya eh itayo sa pwesto ang lata. pag naubos na ang mga tsinelas ng manlalaro o may magaattempt kunin ang tsinelas yun lang ang pagkaaktaon ng taya para tayain yung kalaban nya.. pero kung may maninipa ng lata eh tiyak mababalewala yung pagtaya nya kasi wala sa pwesto ang lata. sa larong ito kalimitang nabuburot ang taya kesa sa 4 na laro sa taas… kaya kung maglalaro kayo nito siguraduhing 3 lang kayo o 4 para malaki pa ang pag asa mong magpatumba ng lata at pumulot ng tsinelas… maituturing bayani ka dito pag ubos na ang tsinelas ng kasama mu at na sayo ang huling tsinelas pag napatumba mo ang lata magiging pagkakataon kunin lahat ng tsinelas nila at pede nyo ibaon sa pag kaburot ang taya… haha..
5 pa lang naisusulat ko pero napakahaba na pero yan eh talagang memorable sa akin yan lalo na yung bahay kubo haha.. marami pang laro eh eto yung iba. matayataya,sipa,patintero,pepsi 7up, tska yung laro ng mga kinder na kahpon eh naging nationala anthem na ng mga bata kila mhao eto. “bilog bilog bilugan, assignment assignment, suntukan ayun si palaka wlang kaawa awa.. bukaka, bukaka syang palaka!” haha di ko alam title eh kinanta ko na lang.. kung tutuusin ang sarap maging bata, malaya kang nakakapaglro,gawin lahat ng gusto mong gawin at hindi pa marunong umibig haha.. sana natuwa kayo sa mga larong binanggit ko.. sana eh naalala nyo rin na minsan na naging bata din tayo.. masasabi ko na itong post na to ang pinaka masaya sa lahat ng post na ginwa ko well…. enjoy reading!!
X) bye!
No comments:
Post a Comment