Thursday, May 7, 2009

kung superhero ako?

+you’re a good friend you know:)+

walang wala sa isip ko na mailalagay ko tong post na to… naisip ko lang kasi yung previous post ko, natuwa naman ako kasi nga nagmumukha na naman akong tanga sa oras na ito na ibabalik ko na naman ang sarili ko sa mga panahon na bata pa ang pag iisip ko…..

isipin mo kung anong superhero gusto mo nung bata ka

.

.

.

naisip mo na?? maganda yan dahil nahawa ka na sa ginagawa ko ngayon.. kung tutuusin noong mga panahon na bata ako eh hindi ako nahilig sa mga pinoy superheroes natin na katulad nila capt. barbell,darna(huh?),asero,gagambino wala ako masyado alam sa ganyan.. ang marami ako nalalaman noon eh mga superhero ng japan, at U.S aha… baga mga foreigners ang alam ko.. wala kasi ako bilib sa sarili nating mga superhero dito sa pilipinas.. promise.! pag kami naglalaro noon hindi pede na hindi mo sasabihin sa kalaro mo kung anong superhero ka.. sa panahon namin nga namin non uso eh mga power rangers at bioman at dragon ball… mamimili ka pero mabenta ang power rangers kahit hit na hit sa amin yun.. mas trip ko si black dun haha… eh saktong 5 kami 2 babae at 3 kami.. pag may epal minsan yung pinaka leader sa grupo namin eh sya si white ranger… kami eh mga alagad nya lamang.. kaya magsisikuhanan na kami na mga putol na sanga sa likod ng bakuran ng kapit bahay namin, eh di ba ang sandata ni black ranger noon eh palakol? dyos ko po hindi ko alam kung saan ako mgahahanap haha… sanga na lang din na may tangkay sa dulo para magmukhang palakol haha…

Pero hanggang ngayon eh masasabi ko pa na medyo may hang over pa ko being an immature na tao totoo… kasi hanggang ngayon eh gusto ko pa rin maglaro kaso hindi naman angkop sa edad kadiri na haha.. makipaglaro ka na lang sa bata para medyo hindi na halata.. noong una ngang pinalabas sa sinehan si spiderman ay naku… i think 3rd yr. na ako noon naku idolong idolo ko na sya haha.. promise lalo na yung story nya kay mary jane watson.. na pinangarap nya din mapasakanya… napaka swerte nya na nagkaroon sya ng superpowers kasi nikagat sya ng radio active spider… kaya simula noon si spiderman na trip kong superhero hanggang ngayon.. sana maging katulad ko sya.. sana lang haha.. libre naman mangarap eh.. di ba?? kaso huwag natin iapply ang “fantasy into reality” in your dreams na lang sya magiging totoo…. put that in mind…

Kaso bakit puro sa mga superhero na lang tayo na aamaze bakit hindi natin binigyan ng pansin yung mga lokal na superhero na natin o tawag natin sa wika natin na “BAYANI” a sila ninoy,rizal,bonifacio,tandang sora(pede) etc.. marami sila pero talagang tumatak sa isip natin sa isip natin yang mga yan.. hindi ba dapat sila ang dapat nating iniidolo?? kung sa akin magiging totoo ako noong kabataan ko hinid ko na appreciate yung ginawa nila kahit pinagpipilitan sila sa skwelahan natin na sila ang mga bayani binabalewala ko lang ngayong nagkaisip na ako at nagkamuwang sa paligid hindi ba dapat sila ang taong dapat natin tularan? kasi kung hindi sa kanila hindi tayo magiging malaya sa mga mananakop, think of it…..

Sabi nga dun sa grup ni tado na dakila parang ganun kaso may side of being an activist, na kahit sino naman eh pede maging bayani o dakila kahit sa maliit na bagay so pede bawat isa sa atin ang maging bayani!! aha… siguro nga… kaya lahat qualified being a hero kahit wala nang super kasi sa mga bata na lang umiiral yan.. ngayon nasa sapat na edad na tayo.. tama?

gagawin ko sana kwela tong post ko pero, minsan kelangan din natin pansinin ang mga bagay na binabalewala natin… imbis na magdrama ako dito o maging EMO sa mga walang kwentang tao, bakit hindi ako magfocus sa mga bagay na nakatulong sa atin hindi ba?? ngayong malaki ka na magisip isip ka din… ok?? you should put in your mind na minsan kelangan mo magpakabayani para sa kapakanan ng ibang tao aha, kahit sa maliit na bagay lang………

now it’s time for so long but we’ll sing just one more song, thanks for doing your part! you sure are smart, you know with me and you and my dog pards …. we can do anything thing that we wanna do!

-rahp2 and pards singin(blue’sclues)

BYE-BYE! X)oryt!

No comments:

Post a Comment