+——–+ absent..
Kasalukuyan akong naiinis sa katangahang ginawa ko.. nabagsak ang 2nd hand kong cellphone na produkto ng grand central.. 2 beses pa lang nabagsak ayy naku.. pasakit na agad fragile na fragile baga sa buto ng mtatanda porselana na dapat ingatan… anyway hindi yan ang pesteng topic ko ngayon naiisingit ko lang haha….
Kagabi nakatxt ko si ate einjel… ayun kwento kwento.. hanggang napag usapan namin ang isa sa mga hindi pedeng mawala sa elementary moments at highschool minsan dito sa bansang pilipinas haha.. mostly sa mga public schools… ang word na N-O-I-S-Y naencounter nyo?? TAMA!
Naala ko nung grade 3 ako nagsimula ang word na noisy na yan….. isa sa mga naalala ko at nagkamuwang sa paligid… isa sa mga hindi ko malilimutang event ng aking buhay… dahil nga sa public school nga ako nagaral uso yun haha.. dahil sa kalalake kong tao.. isa ako sa madaldal noon sa section namin at ang adviser namin si Mrs. L ayaw ko sabihin ang apelido for the protection haha.. sa kanya ko nalaman ang NOISY na word.. may mga katumbas na parusa sa mga noisy na makikita sa leftside or rightside ng blackboard or either sa papel na naglilista ng maingay… kalimitan nasa top 3or top 2 bihira ako mauna kasi yung bakla namin classmate yung nauuna… pag ok-ok sya tatawagin lang kami sa harap at put our hands in the air while shaking!! yeah! wasaK! isa ako sa mga yun minsan naman eh squat na may karampatan na palo sa kamay habang nakasquat o 2 libro sa kaliwa o kanan ng aming mga palad… habang di ka umaayos magtatagal ka sa harap kaya pag natawag ka do your best.. para makaupo ka agad…. ok na yun pagkatapos…
Then minsan pag talagang badtrip si maam.. hardcore yan.. tatawagin ang mga noisy,isa na naman ako sa kanila palagi na lang… taas ulit kamay… eto main event kukuha sya ng chalk.. papangitiin kami labas ang ngipin.. alam mo na sunod… magmimistulang toothbrush ang chalk,lasang colgate.. yayks! 2 sa classmate ko ang naiyak sa sobrang sarap ng malt ng chalk. ako?? di ako umiyak plastikan lang ngiti-ngiti lang… ayw ko umiyak sa madaming tao di ako sanay.. di ba brutal.. hindi talaga nawala yun sa akin, hindi naman ako natrauma pero talagang most unforgettable moment lang ng aking buhay na ang las pala ng chalk ayy.. lasang harina!! oo parang tumikim ka ng johnsons babypowder…grade 3 palang yan ha… brutal na haha
As the years goes by hanggang higschool meron nyan.. iba-iba style ng mga teacher pag isa ka sa mga noisy.. depende yung iba eh nagmiminus sa quiz, yung iba eh sa katumbas na ingay na ginagawa mo eh magbabayad ka ng 5 piso para sa christmas party, oh di ba ginawang financer ang mga noisy ng klase nyo.. may benefits din pala silang nakukuha dun.. kaso minsan may iba din na mga teacher na hardcore namimingot sa tenga, yung iba eh sa patilya mo.. papataasin nya yun mapapataas din yun paa mo haha.. meron naman yung president sa sec. nyo mananakot yan.. dahil nung 4th yr. kami malapit kami sa guidance, palagi kami nabibisita ng guidance councelor namin… ang panakot ng president dyan eto “o lahat daw ng noisy sabi ni maam J pupunta ng guidance!” wow! guidance>?? malamig dun ha… ok yun.. pero yung iba natatakot isa ako dun kaya i shut my F*ckin mouth na muna..
Isa sa mga naeengganyo ako nun eh pag may naglilista ng noisy… magmimistulang templo ang room nyo… tahimik lahat lalo na pag alam mo na mabigat ang kaparusahan pag nalista ka sa blacklist… lahat plastik.. isa pa dyan pag ka friendster mo yung naglilista safe ka dyan kasi kaibigan ka nya.. yung iba dyan magsasalita paparinig ” oh walang kaikaibigan ha.. ilista yan pag maingay” tama! ako minsan nagsasabi nun pag di ko kaibigan yung naglilista hahah!!
Namimiss ko na naman ang highschool days ko.. minsan ang sarap magbalik tanaw sa mga bagay na nagpapasiya sayo… pero minsan nakakalungkot din isipin yung mga bagay na nagbigay ng pasakit sayo para kang binaril ng ilang beses.. kaya kung mag rereminiscence ka dyan yung masasaya lang para.. tatawa ka na lang magisa dyan at pagtitinginan ka ng nasa paligid mo at sasabihin ng katabi mo ADIK KA?? WASAK!!
now it’s time for so long but we’ll sing just one more song, thanks for doing your part! you sure are smart, you know with me and you and my dog pards …. we can do anything thing that we wanna do!
-rahp2 and pards singin(blue’sclues)
BYE-BYE! X) oryt!
No comments:
Post a Comment