first episode ng bioman haha.. katawa tong part na to.. watch it..
+you will always be a friend to me no matter what.+
Isang matamlay na hapon.. masyado ako malungkot kelangan ko maglibang.. naisip ko bakit hindi ko panoorin ang bioman nandyan sa taas yung picture.. at may video. bumalik ulit ako sa pagkabata at pinagtatawanan ang 5 tao na nagiiba para maging bioman…
Matagal ko na gusto gawan ng post itong bioman pero ngayon ko lang naisip gawan base sa napanood kong video courtesy of youtube, salamat sa iyo pinasaya mo na naman ako.. haha, natatawa rin ako sa sarili ko noong mga bata pa kami inidolo ko tong 5 kumag na to.. wala akong pinalagpas na episode noon.. ang ginagawa ako pupunta ako sa kaibigan ko inshort nangangapit bahay ako para panoorin ang bioman at dagdagan ang mga imahinasyon nila sa isip ko.. gustong gusto ko pag nagiging 5 makukulay na karakter sila si
RED 1!
GREEN 2!
BLUE 3!
YELLOW 4!
PINK 5!
meron sa vid ko sa taas panoorin nyo.. tawa ako ng tawa ngayon kasi nauna si red 1.. after nya maging bioman nagpose pa! hinintay ang 4 para magpalit anyo din at ginawa ang kanilang posing position.. naisip ko lang nahihintay pa sila ng kanilang kalaban magpalit na hindi sila sinusugod at gumagawa pa ng mga unique pose na talagang trade mark na ng lahat ng mga ganitong klaseng palabas meron yang mga version ito yung ibang alam ko.. power rangers,turbo rangers,jetman,fiveman yan lang pero madami yan.. may kanya kanyang version.. pero ano masaya jan eh talagang hindi mawawala ang mga pose nila na pang model hindi ko alam anong meron sa mga pose nila.. tapos hindi mawawala ang BioRobot na ginagamit nila pag natalo nilang 5 ang 1 kalaban at lalaki ito.. sa una talo ang robot nila pero sa huli magwawagi din ito.. kung si voltes five eh may laser sword, si daimos may chain blizzard(ito yung may electricfan sa dibdib ng robot nya) si BIO ROBOT ay.. may BIO SLASH! haha… kitams.. at sa huli pag natalo na ni biorobot ang kalaban hindi pedeng hindi din sya magpopose para palakpakan ng mga fans nyang bata at magsisitalon sa tuwa (kami yun noon) haha..
grabe halos isang dekada na din pala.. pero still tumatak sa isip naming kabataan sila BIOMAN.. corny, baduy pero sa amin astig sila.. ok! oryt!
No comments:
Post a Comment