Thursday, May 7, 2009

mami jollibee tayo! haha..

+you should put in your mind na were buddies..+

Kamusta tagal ko di nakapagpost mga 1 araw at kalahati ang tagal na nun.. pesteng buhay to, nagsesembreak ka na biglang magtatawag sila na may make up sa virtual lab, piste! wala na akong alam pero salamat ok2 lang naman kanina, kapagod nakakagutom, kaya on the way pauwi pumunta ako sa SM just to feed myself sa halagang 100 ano ang kakainin ko ano kaya?! alam ko na siguro sa jollibee na lang para masaya… hahaha..

Marami ka din pedeng kainan sa SM val. pero hindi ko alam kun bakit ako napadpad sa jollibee, ewan ko.., magisa lang ako walang company kahit sino sanay na akong maging “loner” i hate the word pero totoo.. order ko? ahh hamburger with fries and coke go large yon..common na inoorder ko sa jollibee pag ako lang magisa,

While eating may party na nagaganap sa kabilang corner… napaisip ako ano bang meron si jollibee na nagpapasaya sa mga musmos na bata doon? sa loob loob ko lang eh tao rin naman yung nandoon sa loob nakamascot nga lang..

Well mag faflashback ako, naisip ko, nauto rin pala ako ng isang malaking bubuyog na to na kulay reyd.. naisip ko nung bata ako eh.. batang jollibee din ako.. haha i think 5 years old ako nung nakilala ko sya accompanied with hetty,mr.popo and yung hamburger yung ulo si champ. pero si jollibee ang main na tao haha..

Masaya ako pag nabibigyan kami ng invitation na kakilalal minsan relatives na magbebertdey yung anank nila sa jollibee.. kalimitan eh mga 1yr. old haha.. naisip ko pano maeenjoy nung bata yung birthday nya/? mga bisita nageenjoy hindi sya.. pero siguro dahil sa dakilang human size na bubuyog kaya sya natutuwa in a way..

Kalimitan ang mga nagaganap sa mga jollibee party eh ang mga parlor games hindi mawawala yan at kainan.(ito yung part na naeenjoy ng mga magulang kasi hindi sila pedeng sumali sa parlor games kaya sa pagkain na lang haha) at after nun ayan na tatawagin na yung main event si JOLLIBEE! ayan na manguuto na sya… lalabas na yan kakaway sa mga bat at lalapitan yung birthday celebrant, hindi pedeng hindi sasayaw yan… minsan kasama na sila hetty minsan solo flight ang mokong sya lang magisa.. sasayaw yan ng hit na dance groove ng kapanahunan na iyon noong bata ako macarena sinayaw nya.. pero kanina aba nagkakagat labi ang mokong nakadilat ang mata.. hahah.. natawa na lang ako..

Talagang nakuha ni jollibee ang kiliti ng mga batang walang kaalam alam sa buhay para bigyan sila ng saya… sa totoo lang nung bata ako pinangarap ko din na mag bertdey sa jollibee pero alam kong hindi mangyayari yun haha.. pero at least nangarap ako.. ikaw anong kwentong jollibee mo? haha.. hindi kaya bayaran ako ng jollibee nito>? haha.. so long sige na pagod na ako ingat ka! oo ikaw!

now it’s time for so long but we’ll sing just one more song, thanks for doing your part! you sure are smart, you know with me and you and my dog pards …. we can do anything thing that we wanna do!

-rahp2 and pards singin(blue’sclues)

BYE-BYE! X) oryt!

No comments:

Post a Comment