Thursday, May 7, 2009

being a religious person is a goodthing.. aha!

“Were still buddies ryt?”

Isang magandang araw sa inyo.. kamusta ang buhay? kakatapos lang magsimba, sa 1 oras na isinimba ko, marami na akong napansin o kahit hindi sa 1 oras every time na nagsisimba ako. marami eh… sige try natin isa-isahin ha…

Natanong nyo na ba minsan bakit kelangan natin magsimba?? ako noong bata ako hindi ko alam bakit kelangan magsimba, baga hindi ko pa pinapahalagahan si bossing… tska ang alam ko noon pag magsisimba.. may SM na kasunod yun, kaya mostly hindi ako nagfofocus sa pagsimba ko kasi ang nasa isip ko ang simoy ng aircon ng SM, masasarap na pagkain doon magagandang laruan(minsan)…

OO hindi ako nagbibiro yun talaga naiisip, ko pero nang nag canada na sila daddy, eh parang alam ko na bakit kelangan magsimba. eto, una personal purpose. pangalawa eh obligado o tungkulin.. gawin ng isang pilipinong kristyano ang magsimba. bakit ko nasabing personal purpose? kasi base on experience kasi si bossing din naman kasi ang last resort mo sa lahat ng bagay. Examples: financial matters(palagi yan), kelangan pumasa sa exam(pre,midterm,finals walang mintis yan),pag may sakit sa pamilya,lovelife?(minsan haha) basta mga ganung bagay pero para sa akin ang pinaka main purpose ko bakit ako nagsisimba kasi nagpapasalamat ako sa mga biyayang binibigay nya sa akin… lahat ng magagandang buhay sa kanya ko pinagpapasalamat yun pramis! mukha lang talaga ako hindi pala simbang tao pero nagsisimba ako haha.. +_+

Minsan pag nasa simbahan ako hindi maiiwasan ang magmasid sa paligid bago magstart ang mass. Nandyan ang buong pamilya na nagsisimba.(naiinggit ako),mga lola mo na may kurtina sa ulo(hindi ko alam tawag dun eh),grupo ng magbabarkada, at ang magshushuta Paalala: ang simbahan ay bahay dasalan, wag itong gawing park, wala ka kayo sa park o sa sinehan..hindi sa naiinggit ako alam ko ang iba eh nagiging dahilan ang pagsimba tuwing linggo makasama lang ang kanilang gf at bf, anyway wala na akong pakielam dun basta ganun na lang natatawa na lang ako sa ginagawa nila.. di ba nga we can’t blame them haha.. tapos nandyan ang mga 2 yr. old na naghahabulan sa hallway ng simbahan, asong gumagala sa loob, batang nanlilimos(common to sa simbahan dito sa amin).., mga highschool at elementary classmates noon na ngayon eh mga mama at dalaga nang maitututring ang iba eh may pamilya na. mga ganung bagay ba, hindi pinapalagpas ng mga mata ko eto ang matindi sa ginagawa ko aamin ako dito sa blog haha.. BABAE hindi ko paplagpasin yan maghahanap tayo ng chickas haha.. di ba nga may tawag sila na “simbang tingin” minsan ko lang gawin yan pag yung ayaw kong pari na nagsesermon yan ang common kong ginagawa kaya maswerte ako pag maganda ang katabi ko haha..

At ayan magsisimula na ang misa! haha… basta dapat palagi lang po tayo magpapasalamat sa lahat ng bagay na nakakamit natin sa buhay, marunong humingi ng patawad… (forgive me father for what have i sinned) TAMA? ok ingat kayo.. nakagawa na naman ng post salamat po bossing!

now it’s time for so long but we’ll sing just one more song, thanks for doing your part! you sure are smart, you know with me and you and my dog pards …. we can do anything thing that we wanna do!

-rahp2 and pards singin(blue’sclues)

BYE-BYE! X) oryt!

No comments:

Post a Comment