Thursday, May 7, 2009

NOISY!

+——–+ absent..

Kasalukuyan akong naiinis sa katangahang ginawa ko.. nabagsak ang 2nd hand kong cellphone na produkto ng grand central.. 2 beses pa lang nabagsak ayy naku.. pasakit na agad fragile na fragile baga sa buto ng mtatanda porselana na dapat ingatan… anyway hindi yan ang pesteng topic ko ngayon naiisingit ko lang haha….

Kagabi nakatxt ko si ate einjel… ayun kwento kwento.. hanggang napag usapan namin ang isa sa mga hindi pedeng mawala sa elementary moments at highschool minsan dito sa bansang pilipinas haha.. mostly sa mga public schools… ang word na N-O-I-S-Y naencounter nyo?? TAMA!

Naala ko nung grade 3 ako nagsimula ang word na noisy na yan….. isa sa mga naalala ko at nagkamuwang sa paligid… isa sa mga hindi ko malilimutang event ng aking buhay… dahil nga sa public school nga ako nagaral uso yun haha.. dahil sa kalalake kong tao.. isa ako sa madaldal noon sa section namin at ang adviser namin si Mrs. L ayaw ko sabihin ang apelido for the protection haha.. sa kanya ko nalaman ang NOISY na word.. may mga katumbas na parusa sa mga noisy na makikita sa leftside or rightside ng blackboard or either sa papel na naglilista ng maingay… kalimitan nasa top 3or top 2 bihira ako mauna kasi yung bakla namin classmate yung nauuna… pag ok-ok sya tatawagin lang kami sa harap at put our hands in the air while shaking!! yeah! wasaK! isa ako sa mga yun minsan naman eh squat na may karampatan na palo sa kamay habang nakasquat o 2 libro sa kaliwa o kanan ng aming mga palad… habang di ka umaayos magtatagal ka sa harap kaya pag natawag ka do your best.. para makaupo ka agad…. ok na yun pagkatapos…

Then minsan pag talagang badtrip si maam.. hardcore yan.. tatawagin ang mga noisy,isa na naman ako sa kanila palagi na lang… taas ulit kamay… eto main event kukuha sya ng chalk.. papangitiin kami labas ang ngipin.. alam mo na sunod… magmimistulang toothbrush ang chalk,lasang colgate.. yayks! 2 sa classmate ko ang naiyak sa sobrang sarap ng malt ng chalk. ako?? di ako umiyak plastikan lang ngiti-ngiti lang… ayw ko umiyak sa madaming tao di ako sanay.. di ba brutal.. hindi talaga nawala yun sa akin, hindi naman ako natrauma pero talagang most unforgettable moment lang ng aking buhay na ang las pala ng chalk ayy.. lasang harina!! oo parang tumikim ka ng johnsons babypowder…grade 3 palang yan ha… brutal na haha

As the years goes by hanggang higschool meron nyan.. iba-iba style ng mga teacher pag isa ka sa mga noisy.. depende yung iba eh nagmiminus sa quiz, yung iba eh sa katumbas na ingay na ginagawa mo eh magbabayad ka ng 5 piso para sa christmas party, oh di ba ginawang financer ang mga noisy ng klase nyo.. may benefits din pala silang nakukuha dun.. kaso minsan may iba din na mga teacher na hardcore namimingot sa tenga, yung iba eh sa patilya mo.. papataasin nya yun mapapataas din yun paa mo haha.. meron naman yung president sa sec. nyo mananakot yan.. dahil nung 4th yr. kami malapit kami sa guidance, palagi kami nabibisita ng guidance councelor namin… ang panakot ng president dyan eto “o lahat daw ng noisy sabi ni maam J pupunta ng guidance!” wow! guidance>?? malamig dun ha… ok yun.. pero yung iba natatakot isa ako dun kaya i shut my F*ckin mouth na muna..

Isa sa mga naeengganyo ako nun eh pag may naglilista ng noisy… magmimistulang templo ang room nyo… tahimik lahat lalo na pag alam mo na mabigat ang kaparusahan pag nalista ka sa blacklist… lahat plastik.. isa pa dyan pag ka friendster mo yung naglilista safe ka dyan kasi kaibigan ka nya.. yung iba dyan magsasalita paparinig ” oh walang kaikaibigan ha.. ilista yan pag maingay” tama! ako minsan nagsasabi nun pag di ko kaibigan yung naglilista hahah!!

Namimiss ko na naman ang highschool days ko.. minsan ang sarap magbalik tanaw sa mga bagay na nagpapasiya sayo… pero minsan nakakalungkot din isipin yung mga bagay na nagbigay ng pasakit sayo para kang binaril ng ilang beses.. kaya kung mag rereminiscence ka dyan yung masasaya lang para.. tatawa ka na lang magisa dyan at pagtitinginan ka ng nasa paligid mo at sasabihin ng katabi mo ADIK KA?? WASAK!!

now it’s time for so long but we’ll sing just one more song, thanks for doing your part! you sure are smart, you know with me and you and my dog pards …. we can do anything thing that we wanna do!

-rahp2 and pards singin(blue’sclues)

BYE-BYE! X) oryt!

kung superhero ako?

+you’re a good friend you know:)+

walang wala sa isip ko na mailalagay ko tong post na to… naisip ko lang kasi yung previous post ko, natuwa naman ako kasi nga nagmumukha na naman akong tanga sa oras na ito na ibabalik ko na naman ang sarili ko sa mga panahon na bata pa ang pag iisip ko…..

isipin mo kung anong superhero gusto mo nung bata ka

.

.

.

naisip mo na?? maganda yan dahil nahawa ka na sa ginagawa ko ngayon.. kung tutuusin noong mga panahon na bata ako eh hindi ako nahilig sa mga pinoy superheroes natin na katulad nila capt. barbell,darna(huh?),asero,gagambino wala ako masyado alam sa ganyan.. ang marami ako nalalaman noon eh mga superhero ng japan, at U.S aha… baga mga foreigners ang alam ko.. wala kasi ako bilib sa sarili nating mga superhero dito sa pilipinas.. promise.! pag kami naglalaro noon hindi pede na hindi mo sasabihin sa kalaro mo kung anong superhero ka.. sa panahon namin nga namin non uso eh mga power rangers at bioman at dragon ball… mamimili ka pero mabenta ang power rangers kahit hit na hit sa amin yun.. mas trip ko si black dun haha… eh saktong 5 kami 2 babae at 3 kami.. pag may epal minsan yung pinaka leader sa grupo namin eh sya si white ranger… kami eh mga alagad nya lamang.. kaya magsisikuhanan na kami na mga putol na sanga sa likod ng bakuran ng kapit bahay namin, eh di ba ang sandata ni black ranger noon eh palakol? dyos ko po hindi ko alam kung saan ako mgahahanap haha… sanga na lang din na may tangkay sa dulo para magmukhang palakol haha…

Pero hanggang ngayon eh masasabi ko pa na medyo may hang over pa ko being an immature na tao totoo… kasi hanggang ngayon eh gusto ko pa rin maglaro kaso hindi naman angkop sa edad kadiri na haha.. makipaglaro ka na lang sa bata para medyo hindi na halata.. noong una ngang pinalabas sa sinehan si spiderman ay naku… i think 3rd yr. na ako noon naku idolong idolo ko na sya haha.. promise lalo na yung story nya kay mary jane watson.. na pinangarap nya din mapasakanya… napaka swerte nya na nagkaroon sya ng superpowers kasi nikagat sya ng radio active spider… kaya simula noon si spiderman na trip kong superhero hanggang ngayon.. sana maging katulad ko sya.. sana lang haha.. libre naman mangarap eh.. di ba?? kaso huwag natin iapply ang “fantasy into reality” in your dreams na lang sya magiging totoo…. put that in mind…

Kaso bakit puro sa mga superhero na lang tayo na aamaze bakit hindi natin binigyan ng pansin yung mga lokal na superhero na natin o tawag natin sa wika natin na “BAYANI” a sila ninoy,rizal,bonifacio,tandang sora(pede) etc.. marami sila pero talagang tumatak sa isip natin sa isip natin yang mga yan.. hindi ba dapat sila ang dapat nating iniidolo?? kung sa akin magiging totoo ako noong kabataan ko hinid ko na appreciate yung ginawa nila kahit pinagpipilitan sila sa skwelahan natin na sila ang mga bayani binabalewala ko lang ngayong nagkaisip na ako at nagkamuwang sa paligid hindi ba dapat sila ang taong dapat natin tularan? kasi kung hindi sa kanila hindi tayo magiging malaya sa mga mananakop, think of it…..

Sabi nga dun sa grup ni tado na dakila parang ganun kaso may side of being an activist, na kahit sino naman eh pede maging bayani o dakila kahit sa maliit na bagay so pede bawat isa sa atin ang maging bayani!! aha… siguro nga… kaya lahat qualified being a hero kahit wala nang super kasi sa mga bata na lang umiiral yan.. ngayon nasa sapat na edad na tayo.. tama?

gagawin ko sana kwela tong post ko pero, minsan kelangan din natin pansinin ang mga bagay na binabalewala natin… imbis na magdrama ako dito o maging EMO sa mga walang kwentang tao, bakit hindi ako magfocus sa mga bagay na nakatulong sa atin hindi ba?? ngayong malaki ka na magisip isip ka din… ok?? you should put in your mind na minsan kelangan mo magpakabayani para sa kapakanan ng ibang tao aha, kahit sa maliit na bagay lang………

now it’s time for so long but we’ll sing just one more song, thanks for doing your part! you sure are smart, you know with me and you and my dog pards …. we can do anything thing that we wanna do!

-rahp2 and pards singin(blue’sclues)

BYE-BYE! X)oryt!

bioman!

first episode ng bioman haha.. katawa tong part na to.. watch it..

+you will always be a friend to me no matter what.+

Isang matamlay na hapon.. masyado ako malungkot kelangan ko maglibang.. naisip ko bakit hindi ko panoorin ang bioman nandyan sa taas yung picture.. at may video. bumalik ulit ako sa pagkabata at pinagtatawanan ang 5 tao na nagiiba para maging bioman…

Matagal ko na gusto gawan ng post itong bioman pero ngayon ko lang naisip gawan base sa napanood kong video courtesy of youtube, salamat sa iyo pinasaya mo na naman ako.. haha, natatawa rin ako sa sarili ko noong mga bata pa kami inidolo ko tong 5 kumag na to.. wala akong pinalagpas na episode noon.. ang ginagawa ako pupunta ako sa kaibigan ko inshort nangangapit bahay ako para panoorin ang bioman at dagdagan ang mga imahinasyon nila sa isip ko.. gustong gusto ko pag nagiging 5 makukulay na karakter sila si

RED 1!

GREEN 2!

BLUE 3!

YELLOW 4!

PINK 5!

meron sa vid ko sa taas panoorin nyo.. tawa ako ng tawa ngayon kasi nauna si red 1.. after nya maging bioman nagpose pa! hinintay ang 4 para magpalit anyo din at ginawa ang kanilang posing position.. naisip ko lang nahihintay pa sila ng kanilang kalaban magpalit na hindi sila sinusugod at gumagawa pa ng mga unique pose na talagang trade mark na ng lahat ng mga ganitong klaseng palabas meron yang mga version ito yung ibang alam ko.. power rangers,turbo rangers,jetman,fiveman yan lang pero madami yan.. may kanya kanyang version.. pero ano masaya jan eh talagang hindi mawawala ang mga pose nila na pang model hindi ko alam anong meron sa mga pose nila.. tapos hindi mawawala ang BioRobot na ginagamit nila pag natalo nilang 5 ang 1 kalaban at lalaki ito.. sa una talo ang robot nila pero sa huli magwawagi din ito.. kung si voltes five eh may laser sword, si daimos may chain blizzard(ito yung may electricfan sa dibdib ng robot nya) si BIO ROBOT ay.. may BIO SLASH! haha… kitams.. at sa huli pag natalo na ni biorobot ang kalaban hindi pedeng hindi din sya magpopose para palakpakan ng mga fans nyang bata at magsisitalon sa tuwa (kami yun noon) haha..

grabe halos isang dekada na din pala.. pero still tumatak sa isip naming kabataan sila BIOMAN.. corny, baduy pero sa amin astig sila.. ok! oryt!

sembreak=bored? i don’t think so…

+just tell me what you want then it will be the last i assure you+

blah.. blah.. blah.. kamusta ang sembreak?? ako? wala dakilang taong bahay minsan lang nalabas ng bahay pag kinakailangan.. i miss the school(plastic) kaso hindi pa rin ako mapalagay at this very moment kasi bukas na ang judgement day namin if we pass NCM101 hayy.. im a bit of nervous system… hindi makatulog,hindi makakain… ano to puppy love?>? haha no it’s not iba talaga feeling pag alam mong dehado ka sa isang bagay… you’ll never know..

Ano-ano ba pedeng gawin habang sembreak?? ako? nililibang ko sarili ko hangga’t maari… para makalimutan sandali yung kabang nararamdaman ko.. well ito lang naman ang mga pinagkakaabalahan ko ngayon..

1st is eh , hindi pedeng mawawala ang house chores lalo na ngayon na kami na lang ni lola ang dito sa bahay, kahit nandyan sila tita, hindi pedeng hindi ka kikilos… nakakahiya naman din, hindi uso ang maid sa bahay kaya ikaw rin mismo ang gagawa lahat.. lalo na sa needs ni lola alam mo naman ang mga oldies eh masyado nang fragile yan… madaming utos pa… haay… sumunod ka na lang haha.. bago ka mabungangaan…

2nd this blog thing i’ll write down all of my ideas coming from my brain haha…. kung ano maganda ikwento basta swak sa panlasa.. tska isama ko na dito ang aking computer hindi ako makakgawa ng blog pag wala to kaya thankful ako hindi pa sya nag eerror error something like that(bihira na kasi ako punta sa mga stricted sites haha hanggang you*orn na lang haha)…tska nandito yung buhay ko yung mga songs ko can’t live without them i will die!! haha

3rd eh.. bumili ako ng mga series na chorva-chorva haha tinapos ko ang season 3 ng prison break in just 3 days! imagine? haha then recently bumili ako ng season 1 ng chuck at pushing daisies(oo alam ko iniisip mo) wag nyo na itanong kung kanino ko nalaman yun.. infairness ok ang story haha.. nakakaride on ako kahit walang subtitle haha.. nakakaintindi na ako ng english haha..

4th naman eh the twilight saga,kakabili ko lang ng 3rd book yung eclipse dyos ko po dado! inikot ko ang sm north eh sa powerbooks lang din pala ako sa trinoma makakabili worth it naman haha chapter 2 pa lang ako evasion haha.. nagandahan din naman ako sa new moon kahit papano , pero base sa group ko dun sa friendster mukhang astig ang eclipse oo nga mganda nga naman hehe.. kakasimula pa lang pero ramdam mo na hehe…by december eh breaking dawn na ako haha… ang tagal mag november 22 haay…

5th eh yung aking dakilang psp na wala pa ngang 1 yr sa akin eh halos 6k na nagastos ko dito alam na alam pag may pera ako tapos masisira anak ng teteng naman oh haha… pero iba rin ang sayang dulot nito hehe ito na siguro yung partner kos a araw-araw haha.. kakaibang saya.. madami pang laro akong hinhintay lalo na ang smckdown vs. raw 2009 sa november na din yun! ang tagal mag nov. hehe…

at ang 6th eh ang aking 2nd hand na cellophane haha produkto ng grand central ok na din.. magloload ka tapos wala kang katxt tapos pag wala kang load eh dun maglilipana yung mga pangalan sa phonebuk mo kita mo na how ironic it was haha… tatadtaran ka pa ng quote na pinagpasapasahan ng mga kakilala mo na halos malaspag na yung quote na yun na halos 10 na nagpasa sayo.. tska mo lang maiintindihan yung quote na yun haha….

Yan lang… kahit walang pera eh yan lang mga yan nagpapalipas sa araw ko lalo na ang 1st na yun hindi mawawala ang mga soothing sound ang pagbubunganga ni lola.. kala mo eh lagi ka sa concert nakatapat sayo yung speaker haha… anyway i love my lola naman haha… kahit ganyan yan spoiled ako jan isang pitik lang La, penge 100 may bibilin lang ako haha ayun hayaan mo muna magbunganga magbibigay din yan haha…

Dyos ko po wala naman sa plano ko na ito ilalagay ko sa blog bigla na lang nalagay yaan mo na nga napaganda naman eh… im out!

now it’s time for so long but we’ll sing just one more song, thanks for doing your part! you sure are smart, you know with me and you and my dog pards …. we can do anything thing that we wanna do!

-rahp2 and pards singin(blue’sclues)

BYE-BYE! X) oryt!

mami jollibee tayo! haha..

+you should put in your mind na were buddies..+

Kamusta tagal ko di nakapagpost mga 1 araw at kalahati ang tagal na nun.. pesteng buhay to, nagsesembreak ka na biglang magtatawag sila na may make up sa virtual lab, piste! wala na akong alam pero salamat ok2 lang naman kanina, kapagod nakakagutom, kaya on the way pauwi pumunta ako sa SM just to feed myself sa halagang 100 ano ang kakainin ko ano kaya?! alam ko na siguro sa jollibee na lang para masaya… hahaha..

Marami ka din pedeng kainan sa SM val. pero hindi ko alam kun bakit ako napadpad sa jollibee, ewan ko.., magisa lang ako walang company kahit sino sanay na akong maging “loner” i hate the word pero totoo.. order ko? ahh hamburger with fries and coke go large yon..common na inoorder ko sa jollibee pag ako lang magisa,

While eating may party na nagaganap sa kabilang corner… napaisip ako ano bang meron si jollibee na nagpapasaya sa mga musmos na bata doon? sa loob loob ko lang eh tao rin naman yung nandoon sa loob nakamascot nga lang..

Well mag faflashback ako, naisip ko, nauto rin pala ako ng isang malaking bubuyog na to na kulay reyd.. naisip ko nung bata ako eh.. batang jollibee din ako.. haha i think 5 years old ako nung nakilala ko sya accompanied with hetty,mr.popo and yung hamburger yung ulo si champ. pero si jollibee ang main na tao haha..

Masaya ako pag nabibigyan kami ng invitation na kakilalal minsan relatives na magbebertdey yung anank nila sa jollibee.. kalimitan eh mga 1yr. old haha.. naisip ko pano maeenjoy nung bata yung birthday nya/? mga bisita nageenjoy hindi sya.. pero siguro dahil sa dakilang human size na bubuyog kaya sya natutuwa in a way..

Kalimitan ang mga nagaganap sa mga jollibee party eh ang mga parlor games hindi mawawala yan at kainan.(ito yung part na naeenjoy ng mga magulang kasi hindi sila pedeng sumali sa parlor games kaya sa pagkain na lang haha) at after nun ayan na tatawagin na yung main event si JOLLIBEE! ayan na manguuto na sya… lalabas na yan kakaway sa mga bat at lalapitan yung birthday celebrant, hindi pedeng hindi sasayaw yan… minsan kasama na sila hetty minsan solo flight ang mokong sya lang magisa.. sasayaw yan ng hit na dance groove ng kapanahunan na iyon noong bata ako macarena sinayaw nya.. pero kanina aba nagkakagat labi ang mokong nakadilat ang mata.. hahah.. natawa na lang ako..

Talagang nakuha ni jollibee ang kiliti ng mga batang walang kaalam alam sa buhay para bigyan sila ng saya… sa totoo lang nung bata ako pinangarap ko din na mag bertdey sa jollibee pero alam kong hindi mangyayari yun haha.. pero at least nangarap ako.. ikaw anong kwentong jollibee mo? haha.. hindi kaya bayaran ako ng jollibee nito>? haha.. so long sige na pagod na ako ingat ka! oo ikaw!

now it’s time for so long but we’ll sing just one more song, thanks for doing your part! you sure are smart, you know with me and you and my dog pards …. we can do anything thing that we wanna do!

-rahp2 and pards singin(blue’sclues)

BYE-BYE! X) oryt!

my best buds!

+i don’t want you to be miserable.+ woooa! never my intention to brag haha…

Haha..! alam ko eh dapat hindi ko ipost to pero sayang tsk3, parang token of appreciation na din siguro, tska minsan ko lang din to gawin sa tanang buhay ko, as of now i have this 2 very best bud.. why?? yung dalawang mokong na kulang na lang ay tumira sa bahay namin.. any way bakit ko nasabi?? yung mga panahon na naghihinagpis ako , im very proud na sabihin na na hindi ako iniwan ng dalawang ito… im very thankful na magkaroon ako ng friend na katulad nila.. sa 6 na taon na magkakasama kami, let me introduce them to you na nagbabasa nito except sa inyong dalawa mga kumag! tayo-tayo lang nagbabasahan ng blog kaya sasabihin ko na mga nalaman ko sa inyo makalipas ang 6 na taon na pagsasama haha…. let me start!

1st unahin ko na tong si “jojo” aha.. friend ko since elementary, eto talaga solid pagsasama namin haha… anong meron sa tao na ito?? hypersensitivity to nung elem hanggang hs. pero may bait din naman kahit papano, hindi ko masasabi na single sya since birth kasi may mga nakarelasyong lalaki to este babae noong highschool kami, nagkaroon kami ng issue noon na binigay akong babae sa kanya haha.. ang sama ko.. anyway nevermind.. jo let me be honest .. medyo corny to haha… kulang pa sa sense of humoring konting pasok ng magandang punchline minsan haha. then kasama kong naguidance nung highschool sa isang baraha na explict material ang nandoon isang kahulahulakbot na pangyayari.. pero depensa dun “were on our puberty stage” haha.. may paloadan sila na anytime eh pede ako magpaload kahit di ako nakakapagbayad minsan.. pero what more interesting sa taong to eh talagang makikita mo yung tunay na pagkakaibigan sa kanay and im very proud for that…. pahabol, kung papasok ka sa rock industry pede wag mo ipagmalaki yung spongecola?? iwanan mo na yan haha… be unique dude! explore alam kong maka backstreet boys ka pero ok lang yun… marami pa ko gusto sabihin pero baka tamurin este tamarin yung readers eh haha.. oryt!

Next si “mhao” tama?? TAMA! haha eto kabortdey ko isa sa kampon ng demonyo 13 din pinangananak ng enero haha.. isa sa mga rackers fan ng metallica at eheads astig! then sa aming tatlo sya ang may experience sa lahat haha.. lalo na sa pkikipagtalik haha! matindi to sa bahay pa nila sa kwarto nya na walang pinto dinadala ang babae astig! highschool namin nakasama ni jojo kaso pag uwian di kasabay sa bagong barrio nakatira eh.. tapos naiwas to sa issue nung na guidance kami about dun sa card na may explict material haha.. niligtas ng mga babae sa room lumalabas na mukhang inosente pero wag ka may 2 card sya sa wallet nya di ko alam pano nya natago yun… mukhang inosente pero mukha naman manyak haha… tska kasama ko to bumanat ng matitinding banat na punchline haha.. just to entertain haha… maraming alam sa buhay to pede na magasawa haha.. matalino sana tamad lang din tsk3.. ano pa? babaero sa aming tatlo mas maraming nakasalamuhang babae to kesa sa amin, pati yung nagtitinda ng dvd sa northmall eh gusto rin patusin ang tindi tsk3 Malaki kasi yung ano nito eh, kwan yung PUSO.. kaya ganyan yan… pero ano masaya sa taong to handa kang damayan kahit 10 piso lang ang pera susugod at susugod yan.. naturingan nagmamahjong ang nanay walang pera haha…ok na yan mhao haha..

Ayun, etong dalawang kumag na to ang lagi ko kasama pag napunta sa monument haha.. para bumili ng kung anek-anek.. yaan nyo marami akong plano sa future magbubusiness tayo kayo partner ko haha… tsk3 marami na tayong mga natughayan sa buhay unti na lang gagraduate na tayo.. tsk3 magiging success din tayo… yayaman tayo..! sa ngayon eh mga mukha tayong walang pera pero near future eh.. dadami yan hindi na tayo mamomroblima sa pira, pira na momroblima sa atin! dito lang sa pinoy ricords.! haha ok na to mahaba haba na to siguro naman natuwa na kayo haha… ok na yan teka pala yung sinabi ko kagabi kung makakagawa kayo, gumawa kayo.. ok??

pahabol… hoy nikko kung nagbabsa ka wag ka magalala gagawan ko kayo ng version nila mizzy OK?? sige na go!

now it’s time for so long but we’ll sing just one more song, thanks for doing your part! you sure are smart, you know with me and you and my dog pards …. we can do anything thing that we wanna do!

-rahp2 and pards singin(blue’sclues)

BYE-BYE! X)oryt!

being a religious person is a goodthing.. aha!

“Were still buddies ryt?”

Isang magandang araw sa inyo.. kamusta ang buhay? kakatapos lang magsimba, sa 1 oras na isinimba ko, marami na akong napansin o kahit hindi sa 1 oras every time na nagsisimba ako. marami eh… sige try natin isa-isahin ha…

Natanong nyo na ba minsan bakit kelangan natin magsimba?? ako noong bata ako hindi ko alam bakit kelangan magsimba, baga hindi ko pa pinapahalagahan si bossing… tska ang alam ko noon pag magsisimba.. may SM na kasunod yun, kaya mostly hindi ako nagfofocus sa pagsimba ko kasi ang nasa isip ko ang simoy ng aircon ng SM, masasarap na pagkain doon magagandang laruan(minsan)…

OO hindi ako nagbibiro yun talaga naiisip, ko pero nang nag canada na sila daddy, eh parang alam ko na bakit kelangan magsimba. eto, una personal purpose. pangalawa eh obligado o tungkulin.. gawin ng isang pilipinong kristyano ang magsimba. bakit ko nasabing personal purpose? kasi base on experience kasi si bossing din naman kasi ang last resort mo sa lahat ng bagay. Examples: financial matters(palagi yan), kelangan pumasa sa exam(pre,midterm,finals walang mintis yan),pag may sakit sa pamilya,lovelife?(minsan haha) basta mga ganung bagay pero para sa akin ang pinaka main purpose ko bakit ako nagsisimba kasi nagpapasalamat ako sa mga biyayang binibigay nya sa akin… lahat ng magagandang buhay sa kanya ko pinagpapasalamat yun pramis! mukha lang talaga ako hindi pala simbang tao pero nagsisimba ako haha.. +_+

Minsan pag nasa simbahan ako hindi maiiwasan ang magmasid sa paligid bago magstart ang mass. Nandyan ang buong pamilya na nagsisimba.(naiinggit ako),mga lola mo na may kurtina sa ulo(hindi ko alam tawag dun eh),grupo ng magbabarkada, at ang magshushuta Paalala: ang simbahan ay bahay dasalan, wag itong gawing park, wala ka kayo sa park o sa sinehan..hindi sa naiinggit ako alam ko ang iba eh nagiging dahilan ang pagsimba tuwing linggo makasama lang ang kanilang gf at bf, anyway wala na akong pakielam dun basta ganun na lang natatawa na lang ako sa ginagawa nila.. di ba nga we can’t blame them haha.. tapos nandyan ang mga 2 yr. old na naghahabulan sa hallway ng simbahan, asong gumagala sa loob, batang nanlilimos(common to sa simbahan dito sa amin).., mga highschool at elementary classmates noon na ngayon eh mga mama at dalaga nang maitututring ang iba eh may pamilya na. mga ganung bagay ba, hindi pinapalagpas ng mga mata ko eto ang matindi sa ginagawa ko aamin ako dito sa blog haha.. BABAE hindi ko paplagpasin yan maghahanap tayo ng chickas haha.. di ba nga may tawag sila na “simbang tingin” minsan ko lang gawin yan pag yung ayaw kong pari na nagsesermon yan ang common kong ginagawa kaya maswerte ako pag maganda ang katabi ko haha..

At ayan magsisimula na ang misa! haha… basta dapat palagi lang po tayo magpapasalamat sa lahat ng bagay na nakakamit natin sa buhay, marunong humingi ng patawad… (forgive me father for what have i sinned) TAMA? ok ingat kayo.. nakagawa na naman ng post salamat po bossing!

now it’s time for so long but we’ll sing just one more song, thanks for doing your part! you sure are smart, you know with me and you and my dog pards …. we can do anything thing that we wanna do!

-rahp2 and pards singin(blue’sclues)

BYE-BYE! X) oryt!

reason why im doing this blog thing. WEIRD? (+_=)

Infatuation-is the state of being completely carried away by unreasoned passion or love. ; addictive love. Infatuation usually occurs at the beginning of a relationship. It is characterized by urgency, intensity, desire, and/or anxiety, in which there is an extreme absorption in another.

Bakit naiisipan ko magdefine ng infatuation? bakit nga ba?? kung inaakala nyo na yan ang topic ko eh, nagkakamali ka…actually di ko feel magdrama ngayon, at hindi ko po sariling meaning yan galing yan kay pareng wiki. hiniram ko lang… kaya ko nga pala naisip lagay yan eh, una eh ang ganda pala ng meaning nyan akala ko eh may pagkakahawig lang sa crush yan di pala.. and 2nd wala lang haha… di ba nga sabi ko sayo kanina na hindi ko trip magdrama kasi ayaw kong umiiyak ka… oo ikaw! ngayon na nagbabasa dyan sa kinauupuan mo o nakatayo ka man, nakahiga let’s say dag-dag info lang just in case kasi sa mga tulad kong ROW4 eh kelangan ko yan… haha..

Hindi ko alam ang topic ko ngayon ang weird no?? haha..minsan kasi di mo rin kasi kelangan ng topic para lang makagawa ng blog.. may mga kanya-kanya tayong gusto, may mga dahilan bakit ako nagawa ng blog.. sundan mo to.

-gusto ko magpapansin.

-gusto ko magpalipas ng oras sa tapat ng computer.

-may dinadadownload ako na game.

-gusto ko ihayag ang nararamdaman ko.

-gusto ko pagurin yung mga nagbabasa ng blog ko kakabasa.. haha

-gusto ko magkwento.

-kalimitan wala aong kausap sa bahay kaya computer ang kausap ko sa mghapon kasi mahirap din kausap ang lola ko, magsisigawan kayo siguro kelangan mo ulitin ng 3-4 na beses sinabi mo para makuha nya kaya dapat unang salita pa lang bibirit ka na, kaso mamaos ka din kaya suko din ako…

-gusto ko bumawi dito..

-gusto ko magshare ng mga nalalaman ko..

-eto pinaka gusto ko bakit ako nagawa ng blog.. GUSTO KITA PASIYAHIN oo ikaw nga! gusto ko everytime na nabasa mo blog, pagtayo mo dyan sa tapat ng computer mo.. may ngiting hindi mapaliwanag, kaya manakit ang tyan kakatawa sana… haha..(exagge na haha.. tama ba ispelling?_)

ngayon alam mo na.. pede na ako magpatuloy?? ok.. kamusta ka ?? speechless na naman ako, kanina bago ako umupo dito eh marami akong gusto sabihin ngayon nandito na wala na pero i think mahaba-haba na to ok na ito may maidagdag lang sa post ko ehe.. sana maging writer ako balang araw paglaki ko… haha.. wag mo na pansinin yan, basta gusto ko, ok?? gusto ko luminya kay bob ong.. isa sa mga inspirasyon ko ngayon sa pag gawa ng blog haha…epal lang… paano?? hanggang dito na lang muna ha… gumawa ka na din ng blog mo after mo mabasa to ok?/ goodluck sa topic mo o what so ever yan… -no eating while testing-

now it’s time for so long but we’ll sing just one more song, thanks for doing your part! you sure are smart, you know with me and you and my dog pards …. we can do anything thing that we wanna do!

-rahp2 and pards singin(blue’sclues)

BYE-BYE! X) oryt!

unwanted pregnancy (-_-)

Anong meron sa title?? hindi ito ang iniisip mong lecture sa health center o kaya sa mga seminar ,sa chismosa nyong kapitbahay o sa iyong paaralan.. anong meron sa title ko?? tunghayan natin sa isa kong maikling kwento..

(pinipilit ko iindent tong 2nd paragraph ayaw eh bawal daw)Paano ko ba sisimulan ito?? well let’s start, part of being a student mapa kinder ka man,elementary,highschool, or college.. may isang word na hindi mawawala sa iyo ANO YUN?? “infatuation” “crush” hindi ko alam pero ang tingin ko sa dalawang word na yan eh parehas lang.. totoo naman di ba? hindi ka maiituturing na studyante o isang tao pag wala ka nyan.. (kasama na sila inday dyan na tinitilian ang kanilang mga crush na sila sam milby at papa piolo!)

AKO? malamang oo kinder pa lang may mahal na ako.. di ko na maalala kung sino sya pero natutunan ko magmahal sa aking opposite sex noong grade 2 ako. kasi ultimos a class picture namin eh pinagmamasdan ko sya kinakausap haha. totoo yun doon ko nalaman ang word na “CRUSH” hanggang ngayon eh dala-dala ko yung word na yun simula elementary eh.. siguro naka 7 crush lang ako yung tipong ultimate, pero what’s interesting dyan eh 4 sa mga yun eh mga umagang nangati(alam mo na yung sinasabi ko tignan mo yung title ko) ayun pinakamot sa iba, NAMAGA.. haha para di ko mainvade ang kanilang mga pribadong buhay i won’t say a name na lang, start tayo sa elementary crush ko siguro grade 4 ako nun sa row4 ako nakaupo nun(pramis) haha.. crush na crush ko malamang.. kaso mid ng school nun eh bigla syang nawala. hanggang di ko na nakita, pero nung 2nd yr. college ako ayun nakita ko sa fatima din nagaaral com sci ata eh. then eto nga lately nakita ko sa daan ayun ang laki ng tyan nakalunok ata ng pakwan.. kawawang bata… 1 down.. then yung pangalawa eh 1st yr. highschool. yung dalawang readers ko dyan kilala to classmate namin to.. astig ganda nga din nya kaso petite sya pero ok na pang derby na din ang laban haha… ang masaya dito nag march sya nung graduation ayun ang laki din ng tyan haha.. nakana daw ata ng isang palamunin na tambay malapit sa school namin.. pinalakpakan sya ng buong batch namin sya lang ang bukod tangi na umakyat sa stage na buntis haha.. and then 2nd yr. hs ako meron din ayun wala ako msyado balita sa kanya pero nakita ko naman eh dala-dala na yung kanyang baby na 1 yr old na din ata.. sa squater lang sila yung mga bahay sa gilid ng enternal garden(sinadya ko spelling nyan) and then last eh 3rd yr. highschool meron din kaso nabuntis sya after na ata ng grad. yaya namin nila mhao to.. nung 4th yr. medyo matanda na din yung bf nya pero mahal na mahal nya.. haha.. gusto ko makita baby nya, kaso hanggang ngayon eh hindi pa din…

Ayan na nakwento ko na sa inyo yung 4 na mga naging crush ko haha.. grabe nung nalaman ko tong mga balitang yun.. natatawa ako.. haha yung mga talaga bang mga naging crush ko eh , mga wild na tao din? ang galing ko pala pumili ahha.. pero on the other side naaawa ako sa kanila, tsk3 bakit napakaaga naman? yun ba talaga eh bugso lamang ng damdamin? o gusto lang ng experience? napasama pa sa huli yung resulta Tyanak ang total.. haha. pero kung ano man yun i can’t blame them, mga dumaan lang sila..naging parte ng buhay ko, goodluck na lang sa kanila basta ako hanggang ngayon eh nanatiling S-I-N-G-L_E… haha watch the word, masaya pa rin maging single haha.. tska hanggang crush lang ako, umibig man inaayawan din ” soorry pede friends na lang tayo?” haha common yan.. haha ang dami ko na pala nasabi hehe.. ang daldal ko talaga,well to keep you entertain, matanggal ang boredom? read my blog haha.. (advertise) -no eating while testing-

now it’s time for so long but we’ll sing just one more song, thanks for doing your part! you sure are smart, you know with me and you and my dog pards …. we can do anything thing that we wanna do!

-rahp2 and pards singin(blue’sclues)

BYE-BYE! X) oryt!

edward cullen fever.

haha… hello! im back kamusta kayo?? im sure your doing good.. namiss ko na naman mag blog kaya eto nagpost na naman ng walang kwentang topic. pero im sure sa mga twilight readers dyan eh alam ko na makakarelate kayo ngayon sa aking topic lets talk about vampires.! tsk3 oo vampires alam ko na unang papasok sa isip mo pag vampires na pinag usapan it’s EDWARD CULLEN specially girls they really adore this guy. haay… oo patay na patay sila sa taong yan este bampirrang yan… hahaha based on experience i have this 2 beautiful ladies na love nalove na love na love nila si edward, ewan ko ba everytime na makakatxt ko sila eh wala na nasa isip nila kung hindi si edward,edward,edward… opo totoo yun hehe may tawag nga sila sa sakit na yun ano daw “edward cullen syndrome” tsk3 from the name of it’s self edward! haha walang kamatayang edward.. well ako naman eh todo ride na lang i can’t blame them mahal nila yun eh so ano ngayon ako?? “kunsintidor!” haha sasakyan ko na lang lahat ng gusto nila imbis naman magalit ako eh ayun todo suporta para kay edward haha… natatawa ko sa mga tintype ko which is totoo naman hahah.. eto lang naglalaro sa isip ko eh anong meron si edward na wala kami? (kami na lang dapat “ako” eh haha) well i have my own answer. i have my 20 reasons here:

1. vampire sya(natural)

2. pale ang skin

3. paiba iba kulay ng eyes.

4. hindi na kelangan magsuklay(based on movie)

5. immortal

6. handsome..!! (duh?? maiinlove ba sila dito pag kamukha lang to ni pekto?)

7. will do anything stupid just for her loveone?? (ewan ko ha.)

8. can drive 200 km/hr. (haha di ako marunong pa magdrive paglaki ko haha)

9. sparkle in sunlight (pede din ako un basta may glitters ako ahha)

10. malulupit ang cars especially his shiny volvo (carter lang meron kami tska sarao)

11. hindi natutulog babantayan ka buong gabi.( amnesia este insomia ito.)

12. kaya ka nyang gawin immortal.

13. can read minds.

14. crooked smile

15. play piano

16. stays young and sexy forever. hahaha

17. willing ibigay ang kanyang buhay para sayo.( actually kaya ko din yan,)

18. makakpasok sa kwarto mo na hindi mo napapansin

19. gentlemen (ako rin ganyan ahhaha)

20. smells perfect and extraordinarily nice

kung tututusin masasabi ko nang perpekto si edward. oo dyos ko po ikaw ba naman magkaroon ng bf na ganito maghahanap ka pa ba ng iba?? hindi na haha.. well i should say lamang lang si edward ng isang paligo (charot!-sir diomar) haha kahit sinong lalaki sa mundo hindi kayang pantayan si edward trulaloo yun haha… kaya kung guy ka wag ka nang magtaka kung bakit kinahuhumalingan ng mga girls si papa ed. este si edward pala.. oo wala tayong laban.. kaya na realize ko na ngayon kung bakit ganun ganun na lang sya… hahaha.. kaso sad to say eh taken na rin si edward hahah!! behh!! kala nyo ha kay bella na sya! di nya na pagpapalit yun!! hehe inaway?? grabe sila talaga na ni bella… kung irerelate ko sarili ko kay edward siguro yung long lasting love nya kay bella. na walang kahit sinong babae na maiirereplace sa buhay nya talagang “i love bella” ayun makakarelate ako dun kasi talagang sya na lang mamahalin ko wala nang iba. but what’s sad with that eh.. ako lang nagmamahal sa kanya well.. im not expecting na ibabalik nya yung love na gusto ko. basta ako eh forever ko na sya mamahalin( ano nikko kala mo di ko masisingit to no?) i really really love that girl. you know who you are. haha.. tsk3 ginamit lang talaga si edward para masabi yun hehe.. pero magagaya ko din si edward one day sa panaginip! haha… yun na yun that will conclude my post for today hope naentertain ko kayo…… Be Safe. (naks edward line kay bella sa letter tama?)

X) bye!

what if there’s no music? .. whatsoever..

Yun lang, naglaro na ba sa isip nyo yan? kung walang music sa buhay natin?? ewan ko ha.. pero sa akin naiisip ko yan habang mataimtim ako nagiisip ng ilang bagay sa tahimik na lugar(alam ko iniisip mo.) aha.. pero sa totoo lang I can’t live without music.. alam ko kalimitan nyong nababasa yan sa mga friendster profile ng mga crush mo,pinagpapantasyahan mo, stalker mo.., best bud mo(yun lang),kaibigan ng kaibigan mo at kung ano-ano pa.. kaya ko ginawa tong post na ito dedicated ito sa mga taong binibigyan ng importansya ang musika at para sa mga taong nagdrodroga haha.. joke lamang.. mayroon akong ibabahagi sa inyo sa pagkakaalam ko sa music.

(sa tagal ko nang nagawa ng blog ngayon ko lang naisip gawin iindent yung starting ng body haha)oo nga naman paano nga kung wala tayong music? ganito lang yan, siguro eh….

.walang kwenta ang buhay..

.tahimik,

.boring,

.matatamlay lahat ng tao,

.aantukin sa jeep kasi walang earphone ang nakasalpak sa mga tenga ko,

.palaging stress(itinuturing kong stress reliever ang music lalo na yung mga kanta ng paramore! yeah!,

.walang nightlife,paano sila magsasayawan di ba? TAMA!,

.walang videoke sa mga handaan at beerhouse haha,

.hindi mo maeenjoy yung pagiging bata mo kasi pano ka kakanta ng “ako ay may lobo” haha,

.hindi mauuso ang christmas party.

.hindi makikilala ang moymoy palaboy aha!

.walang tito vic and joey(ata) haha

.walang mangangaroling sa pasko

.walang choir. haha

.walang american idol!

.walang paramore!

-marami pang iba.. kayo na magdugtong haha.. papaubaya ko na sa inyo yan.

Saan nga ba nagsimula yung music na yan.. base sa sarili ko (hindi ako gagamit ng wikipedia o encyclopedia) yung mga natutunan ko nung elementary at highschool ang music daw eh nagsimula sa ibang bansa ewan ko lang haha.. pero mismo yung mga ninuno at yung mga nabubuhay nung kapanahunan nila kopong-kopong eh, mayroon na din silang musika. hindi ko nga lang alam kung anong klase yung tugtugan nun, anyway paalala ko lang ulit ito ay base sa aking mga nalalaman pasensya na palagi ako sa row 4 nung elementary pati highschool kaya di ko maapreciate kung san talaga nagsimula yun.. mabalik tayo sa usapan kung tatanungin nyo ako ano ang unang music ang una kong narinig o naalala eh siguro yung bahay kubo na itinuro noon sa amin nung kinder ako sumunod dun ang will of the wind(theme song nila mommy nung kasal) haha.. pero noon pa man eh masaya kong pinapakinggan ang mga uri ng musika noon.. siguro grade 5 ko lalo naapreciate ang music kasi sa panahon kong yun dun nagsilabasan ang mga boybands ilan sa mga yan ang: westlife,a1,boyzone,bsb,nsync,911 at kung ano-ano pa.. sa totoo lang eh naenjoy ko yung mga music nila, sa totoo nyan bumili pa nga ko ng poster ng a1 at westlife na nagkakahalaga ng 5piso kada isa.. ang galing nabilog nila ang pagiisip ko nun, lalo na nung pumasok si britneyspears ayy.. naku kras na kras ko yun (dati)haha hinihintay ko lagi yung mga music vids nun.. masasabi ko na ang genre ko nung panahon na yun eh more on pop songs.. bihira pa ang RNB at rock songs, noong highschool ko naapreciate ang kanta nila usher,r. kelly, fat joe, nelly etc. at bago ako grumaduate dito pinakilala sa akin ang rock music kung saan ang unang banda na nakilala ko ay ang kamikazee dahil sa hit single nila na narda! haha.. astig! simula noon sa rock industry na ako nag focus.. sa ating henerasyon ngayon meron akong 5 grupo na binubuo batay sa aking matinding pagmamatyag sa aking paligid na mayroon silang sarisariling genre’s when it comes to music.. eto sila.. mga rocker!,rapper,dancer,poser, mga taong hilig ang love songs..(for short mga taong puro senti sa buhay). hindi to sakop ng topic ko kayo na mag grupo sa mga taong alam nyo haha.. tignan nyo kung tama ako.. pero sa totoo lang marami yan hindi lang yan pero kasi sila ang mga napapansin ko sa araw-araw lalo na sa panahon natin ngayon. mahirap na pero dahil sa musika nagiging masaya ang buong mundo ganun lang yun. kaya paalala: mahalin ang musika natin! support opm music! (plastic) haha.. marami pa ko gusto ikwento pero yan na muna sana eh.. napasaya ko ang mga araw nyo kahit papano kasi masaya ako eh TAMA! haha. maraming salamat ulit sa aking mga readers!! thank you,thank you!

now it’s time for so long but we’ll sing just one more song, thanks for doing your part! you sure are smart, you know with me and you and my dog pards …. we can do anything thing that we wanna do!

-rahp2 and pards singin(blue’sclues)

BYE-BYE! X) oryt!

ang aking paboritong mga larong pambata

haayy… wala nang maisip na magandanag post hehe.. pero eto i think mukhang papatok sa inyo.. siguro naman lahat tayo ay nanggaling sa pagiging musmos well i had to say na naenjoy ko kahit papano ang aking childhood kasi sagana ako sa laro noon, palaging nasa kapitbahay at kulang na lang eh doon ako matulog pero pag hapo lahat kaming mga magkakalaro eh nagtitipon tipon sa kalsada,sa eskwelahan o minsan sa mismong bahay ng aming kalaro.. well try ko i listdown lahat ng mga larong naaalala ko sa aking utak at hahalukayin natin lahat ng iyon at kung paano ito nilalaro.. let’s start!

1. bahay-bahayan= well intriguing tong larong to kasi nga eh kelangan dito ng 3 hanggang limang manlalro kung saan binubuo ito ng nanay,tatay gusto kong tinapay,at mga anak haha.. actually mukhang mortal sin din ito sa mga bata lalo na sa magiging nanay at tatay sa laro kasi.. eh yung typical na magasawa ay parang nagagawa na din ng mga batang ito.. well kung tatanungin nyo ako never ako naging tatay sa larong ito hanngang anak lang ang katayuan ko dito.. haha..

2. tagu-taguan= one of the most paboritong laro ko. binubuo ito ng 3-10 manlalaro. sa larong ito pede mong gawing katanga-tanga ang taya sa laro kasi magmumukha syang tanga habang hinahanap kayo. eto ang script ng taya na nakaharap sa pader at magbibilang hanngang 10 “tagu taguan maliwanag ang buwan pagkabilang kong sampu nakatago na kayo 1,2,3…..10. wala sa likod wala sa harap.” ayan na magsisimula na maghanap ang taya… ang huling makita nya na hindi nakakatakbo sa base eh ayun ang magiging sunod na taya pag manghuhuli eto ang script nila “boom rahp-rahp!” hehe pede ka pa isave ng mga nalalabing manlalaro sa field hehe.. sa larong ito bihira ako maging taya hehe… the best itong laruin sa gabi mas madilim mas masaya!.

3. sasara ang bulaklak=(for gels only)= ito ay kalimitang laro ng mga malalanding batang babae(tingin ko ha) pati na din maldita haha. binubuo ito ng 3 hanggang 8 manlalaro meron silang kanta dyan eto ” sasara ang bulaklak,bubuka ang bulaklak sasayaw ang reyna pakembot kembot pa.. boom tiyaya boom tiyaya bo0m yeye, boom tiyaya boom tiyaya boom yeye.. ” di ba bonnga, ang alam ko nkapikit ang taya dito tapos napaplibutan sya ng kanyang mga kalaro at pag natapos ang kanta ayun kung sino ang huling nituro ayun ang magigigng taya… kahit pambabaeng laro ito masasabi kong napatulan ko tong larong ito sinali lang ako haha.. experience ba ika nga hehe…

4. langit,lupa imperno= isa sa mga kinahumalingan kong laro nung bata ako.. binubuo ito ng 3 hanggang 5o 8 manlalaro.. mayroon din kanta ang mga kabataan dito para magkaalamananan kung sino ang taya. eto ang kanta nyan “langit,lupa imperno.. in in inpyerno, saksak puso tulo ang dugo, patay buhay umalis ka na dyan sa pwesto mo… ” yan kung san matapos ang kanta kung san tumuro ang singer ng grupo panigurado ligtas na sya hanngang maging 2 na lang doon magkakaalamanan ng taya hehe.. rules?? sasampa ka lang sa mga s.s hollowblock,paso kung pde ka, gate ng kapitbahay nyo, gulong kung mayroon,upuan etc basta mataas na bagay.. may ilang pagtatalo ang bata dito hindi daw pede magtagal sa kinatatayuan bibilang yung taya ng 5-10 segundo para makalipat ng pwesto ang hahabulin nya ang mahuli sa larong ito ay sya ang susunod na taya.. mas may pahinga ka dito kesa sa matamataya hahah…

5. tex!=comes in different sizes may small medium at large, hindi po ito damit ito ay yari sa karton na may drawing ng kartoons,mga telenobela,artista? haha etc. pero mas may thrill ang maliliit na tex, inabutan ko pa noon ung parang komik style na tex(meron ito sa vid ng betamax) yung ganun ito ay binubuo ng 2 manlalaro pde ring tatlo at apat ang maximum. tingin ko ito ay parte na din ng pagsusugal.. rules?? magbibigay ka ng pamato mo sa titira(malalaman ang mauuna sa pagtira ng pato nila kung tsa o tsub) kung one on one ang laban may pananggulo(tawag nila) ang tsa pala eh ito yung pinaka front nung tex na kung saan yun ang pinaka drawing at tsub yung pinakalikod nya.. para manalo ka dito pag katira ng nauna sa inyo eh tsub ang pato mo tsub ang pananggulo at naka tsa yung kanya means na panalo sya, vice versa lang pag sayo naman bsta yun lang ang way hannga’t hindi nagkakaalamanan hindi titigil ang tumitira sa pagpulot ng tex haha.. ang pagtaya naman eh depende pag mdaming tex yung kalaban mu damihan mo din taya malas mo lang pag sya nanalo.. gustong gusto linya sa mga ganito eh eto” boy1: ilan taya mo? boy2:bet na pati pato’t pananggulo” matapang si boy2 kasi alam nyang hopeless na si boy1 pero kung didikit ang swerte kay boy1 aba makakbangon ulit sya sa pagkatalo.. matatapos lang ang laro pag naubos na yung tex ng kalaban mo.. note: kung mabait kang manlalaro bibigyan mo ng balato yung kinalaban mo at iba pang mga usisero sa paligid mo, kung hamak na madamot ka wag ka na magbigay! .

5. tumbang preso= isa sa mga magagandang laro na nalaro ko nung bata, kelangan mo lang dito ng lata ng argentina,alaska,alpine. hindi pwede ang lata ng luncheon meat,maling,spam o mga latang pinadala sa inyo galing state bsta pde lang dito bsta cylindrical na lata. binubuo ito ng 3-8 manlalaro mas madami mas burot ang taya. rules?? ang goal lang dito ng mga hndi taya eh patumbahin ang latang mga 5 meters away sa kanila.. ang gagawin lang ng taya eh itayo sa pwesto ang lata. pag naubos na ang mga tsinelas ng manlalaro o may magaattempt kunin ang tsinelas yun lang ang pagkaaktaon ng taya para tayain yung kalaban nya.. pero kung may maninipa ng lata eh tiyak mababalewala yung pagtaya nya kasi wala sa pwesto ang lata. sa larong ito kalimitang nabuburot ang taya kesa sa 4 na laro sa taas… kaya kung maglalaro kayo nito siguraduhing 3 lang kayo o 4 para malaki pa ang pag asa mong magpatumba ng lata at pumulot ng tsinelas… maituturing bayani ka dito pag ubos na ang tsinelas ng kasama mu at na sayo ang huling tsinelas pag napatumba mo ang lata magiging pagkakataon kunin lahat ng tsinelas nila at pede nyo ibaon sa pag kaburot ang taya… haha..

5 pa lang naisusulat ko pero napakahaba na pero yan eh talagang memorable sa akin yan lalo na yung bahay kubo haha.. marami pang laro eh eto yung iba. matayataya,sipa,patintero,pepsi 7up, tska yung laro ng mga kinder na kahpon eh naging nationala anthem na ng mga bata kila mhao eto. “bilog bilog bilugan, assignment assignment, suntukan ayun si palaka wlang kaawa awa.. bukaka, bukaka syang palaka!” haha di ko alam title eh kinanta ko na lang.. kung tutuusin ang sarap maging bata, malaya kang nakakapaglro,gawin lahat ng gusto mong gawin at hindi pa marunong umibig haha.. sana natuwa kayo sa mga larong binanggit ko.. sana eh naalala nyo rin na minsan na naging bata din tayo.. masasabi ko na itong post na to ang pinaka masaya sa lahat ng post na ginwa ko well…. enjoy reading!!

X) bye!